Ang Kilusang Propaganda ay isang makabayang kilusan na sinimulan ng mga Pilipinong ilustrado sa Espanya noong bandang 1872 hanggang 1892 . Nagsimula ito matapos ang paggarote sa tatlong paring martir na sina Gomez, Burgos, at Zamora (Gomburza) .Pangunahing layunin ng kilusan na makamit ang mga reporma sa Pilipinas sa mapayapang paraan , sa halip na paghihimagsik . Ginamit nila ang pagsusulat, paglilimbag, at pagtatalumpati upang isulong ang kanilang mga adhikain .