Ang Indus Valley Civilization ay matatagpuan sa lambak ng Ilog Indus na nasa kasalukuyang teritoryo ng Pakistan at bahagi ng hilagang-kanlurang India. Saklaw nito ang mga lugar mula sa northeast Afghanistan, buong Pakistan, hanggang sa northwest India. Kabilang dito ang mga kilalang lungsod tulad ng Mohenjo-daro sa Sindh, Pakistan, at Harappa sa Punjab, Pakistan.