Ang La Solidaridad ay isang pahayagan o diyaryo na naging opisyal na tinig ng Kilusang Propaganda ng mga Pilipinong ilustrado sa Espanya noong huling bahagi ng ika-19 na siglo. Itinatag ito noong Pebrero 15, 1889, at naglalaman ng mga artikulo na naglalayong maiparating sa mga Espanyol ang hinaing at mithiin ng mga Pilipino para sa reporma sa pamahalaang kolonyal ng Espanya. Bukod dito, ang La Solidaridad ay nagsilbing plataporma upang ipaglaban ang karapatan ng mga Pilipino, tulad ng representasyon sa Cortes (parlamento ng Espanya) at kapalit ng mga prayleng Espanyol ng mga Pilipinong pari.