Malaki ang naitulong ng mga ilog sa pag-usbong ng mga sinaunang kabihasnan sa Asya. Nagsilbi ang mga ito bilang pangunahing pinagkukunan ng tubig para sa inumin at irigasyon, kaya naging masagana ang agrikultura dahil sa patabang lupa na dala ng mga ilog tulad ng Huang Ho. Bukod dito, ginamit ang mga ilog bilang ruta ng transportasyon at kalakalan na nagpadali sa palitan ng produkto at kultura. Dahil sa saganang tubig at pagkain, nakapagtayo ang mga tao ng mga permanenteng pamayanan na naging pundasyon ng mga unang lungsod at kabihasnan.