Ang salitang Filibusterismo ay ginamit ng mga Espanyol upang tukuyin ang mga mapanghimagsik o subersibong kaisipan ng mga Pilipino na tutol sa pamahalaang kolonyal. Ang mga Pilipinong may ganitong kaisipan ay tinatawag na filibustero, na ibig sabihin ay rebelde o kalaban ng pamahalaan.Ginamit din ito ni Dr. Jose Rizal bilang pamagat ng kanyang nobela: "El Filibusterismo", na tumatalakay sa rebolusyonaryong ideya laban sa mapang-abusong kolonyal na pamahalaan.