Si Apolinario Mabini ay isinilang noong Hulyo 23, 1864 sa Tanauan, Batangas. Siya ay kilala bilang “Dakilang Lumpo” at “Utak ng Rebolusyon” dahil sa kanyang katalinuhan at mahalagang papel sa rebolusyong Pilipino kahit siya ay may kapansanan.Nag-aral siya ng abogasya sa Unibersidad ng Santo Tomas at naging mahusay na manunulat at tagapayo. Nang sumiklab ang rebolusyon laban sa mga Espanyol at Amerikano, siya ang naging punong tagapayo ni Heneral Emilio Aguinaldo at unang punong ministro ng Unang Republika ng Pilipinas.Kahit hindi siya makalakad, patuloy niyang ipinaglaban ang kalayaan ng bansa sa pamamagitan ng kanyang mga sulatin at ideya. Namatay siya noong Mayo 13, 1903 dahil sa cholera. Hanggang ngayon, kinikilala si Mabini bilang isa sa mga pinakamarangal at matalinong bayani ng Pilipinas.