Ang paborito kong tao sa larangan ng pampalakasan sa aming komunidad ay si Kuya Mark. Siya ay magaling mag-basketball at palaging nagtuturo sa mga bata sa amin. Siya ay disiplinado, masipag mag-ensayo at hindi madamot magturo. Kaya maraming kabataan ang nahihikayat na maglaro ng sports kaysa gumawa ng masama.