Panuto: A. Isulat ang tamang sagot sa patlang sa inyong sagutang papel. 1. Ang ____________ ay isang anyong lupa na napapalibutan ng katubigan tulad ng Pilipinas na may 7641 malalaki at maliliit na pulo.. 2. Ang ____________ ay ang pagtukoy sa isang lugar o bansa na nakabatay sa mga kalupaan at katubigang nakapaligid dito. 3. Ang ____________ay tumutukoy sa kinaroroonan ng isang lugar sa pamamagitan ng pag-alam ng mga bansang nakapaligid dito o hangganan ng lupain nito. 4. Ang ____________ ay nakabatay sa pagtukoy ng mga katubigan ang nakapaligid sa isang bansa o lugar. 5. Ang ____________ ay tumutukoy sa tiyak na kinalalagyan ng isang bagay o lugar.