Ayon sa Teorya ng Tulay na Lupa, dating pinagdurugtong ng mga tulay na lupa ang mga pulo ng Pilipinas sa isa't isa pati na rin sa mga kalapit na bansa tulad ng Borneo, Indonesia, at Malaysia. Nang bumaba ang antas ng tubig sa panahon ng Ice Age, lumitaw ang mga tulay na lupa na nagbigay-daan sa paglalakbay ng mga tao, hayop, at halaman mula sa mainland Asia patungo sa Pilipinas. Nang tumaas muli ang tubig, ang mga tulay na lupa ay lumubog at naging mga pulo na ngayon ang Pilipinas.