B. BIGAY-PAMAGAT: Basahin ang isang kuwentong kababalaghan ni Andilaine R. Tajanlangit. Bigyan ito ng angkop na pamagat. Noong unang panahon, sa Baryo Maligalig, ay may isang babaeng dayo na lubhang kinatatakutan ng mamamayan doon. Mula kasi nang dumating ang nasabing babae ay sunod- sunod nang nawawala ang mga bata sa kanilang lugar. Siya si Melba. Mahaba ang kaniyang buhok na halos sumayad na sa lupa. Lagi siyang nakasuot ng itim na damit at mahabang palda na umaabot hanggang sakong. Lagi itong nakayuko kapag nakakasalubong ng sinoman sa daan. Isang hapon, habang naghihintay si Aling Nena sa paglabas sa paaralan ng kanyang anak na si Nonoy ay may narinig siyang komosyon sa hindi kalayuan. "Ang anak ko! Ibalik mo ang anak ko!" Ang palahaw ni Aling Berta. Nagmamadaling lumapit si Aling Nena upang malaman kung ano ang nangyari sa anak ng kanyang kumareng Berta. "Anong nangyari Mareng Berta? Anong nangyari sa inaanak kong si Betty?" Agad na tanong ni Aling Nena. "Kitang-kita ko si Melba, kinaladkad niya at isinakay sa putting sasakyan si Betty ko. Hinabol ko sila pero hindi ko na sila naabutan. Ang anak ko, ang kaawa-awang anak ko !" Ang humahagulgol na sagot ni Aling Berta. Walang masabi si Aling Nena para maibsan ang sakit na nararamdaman ng kanyang kumare sa mga sandaling iyon. Tanging mahigit na yakap lamang sa kanyang kumare ang kanyang nagawa. Mula noon ay hindi na nagpakita sa kanilang lugar si Melba. Lumipas ang dalawang araw at may balitang natanggap ang mamamayan ng Baryo Maligalig na may mga bangkay na natagpuan sa may tabi ng ilog. Nagpunta ang magkumareng Berta at Nena sa sinasabing lugar. "Betty ko, anak ko!" Agad na pumalahaw ng iyak si Aling Berta nang makilala niyang anak niya ang isa sa mga bangkay na naroon. Lubhang kalunos-lunos ang sinapit ng mga biktima. Lahat sila ay wakwak ang tiyan at wala ng mga lamang- loob.
Asked by ardorubie2277
Answer (1)
Batay sa tema at mga elemento, narito ang ilang opsyon para sa pamagat:Ang Lihim ni MelbaBaryo Maligalig: Ang Sumpa ng Nawawalang BataAng Halimaw sa Baryo MaligaligWakwak sa Baryo MaligaligAng Itim na Babae ng Baryo Maligalig