Ang Kakapusan ay isang kalagayan kung saan limitado ang mga pinagkukunang-yaman tulad ng pera, pagkain, at oras, samantalang ang pangangailangan at kagustuhan ng tao ay walang hanggan. Dahil dito, kailangang pumili ang tao kung paano gagamitin nang maayos ang mga yaman upang matugunan ang pinakamahalagang pangangailangan. Ito ay isang pangmatagalang suliranin na nararanasan ng lahat.Ang Kakulangan naman ay pansamantalang sitwasyon kung saan may kakulangan sa suplay ng isang produkto o serbisyo sa merkado. Maaaring sanhi ito ng mga problema tulad ng kalamidad, pagkasira ng produksyon, o iba pang salik na nagdudulot ng hindi sapat na dami ng produkto. Hindi tulad ng kakapusan, ang kakulangan ay maaaring malutas sa pagdaan ng panahon o sa pamamagitan ng tamang aksyon.