Ang kabanalan ay hindi lang sa salita o panlabas na anyo. Ipinapakita ito sa gawa, pagmamahal sa kapwa, at pagsunod sa mabuting asal araw-araw. Ang pahayag ay nagpapakita ng tunay na kahulugan ng kabanalan. Hindi sapat ang panlabas na relihiyon o pagsunod sa mga ritwal kung wala namang mabuting gawa. Pagkakawang-gawa – Ipinapakita ang kabanalan sa pagtulong sa kapwa, lalo na sa mga nangangailangan. Katulad ng pagbibigay sa mahirap o pagtulong sa may sakit.Pag-ibig sa kapuwa – Kapag may pagmamahal sa kapwa, nagkakaroon ng malasakit, respeto, at pagkakaisa sa komunidad. Ito ay tanda ng tunay na pananampalataya.Pagsukat ng kilos sa batas ng Diyos – Lahat ng sinasabi at ginagawa natin ay dapat nakaayon sa kabutihan, katotohanan, at katarungan ayon sa aral ng Diyos.Kung may taong nangangailangan at ikaw ay may kakayahang tumulong pero pinili mong balewalain siya, hindi ito tunay na kabanalan kahit pa araw-araw kang nagsisimba.