Ang tumpak na solusyon para maiwasan ang problema ay magsimula sa sarili. Dapat disiplinado at may malasakit tayo sa kapaligiran at sa kapwa. Halimbawa: magtapon ng basura sa tamang basurahan, huwag magsunog ng plastik, gumamit ng eco-bag, at iwasan ang labis na paggamit ng kuryente at tubig. Mahalaga rin ang pagtutulungan ng buong komunidad sa pangangalaga ng kalinisan at kaayusan.