Nagkaroon ng matatag na pamahalaan na naging modelo ng pamumuno. Ang mga sistema ng pagsusulat tulad ng cuneiform at hieroglyphics ay naging mahalagang ambag sa pag-record ng kasaysayan. Ang sistemang irigasyon, kalakalan, at arkitektura gaya ng pyramid ay patunay ng kanilang katalinuhan. Dahil dito, umunlad ang sining, agham, at teknolohiya na naging pundasyon ng mga makabagong kaalaman na ginagamit pa rin hanggang ngayon.