Desentralisasyon ay isang sistema kung saan ang kapangyarihan o desisyon mula sa pambansang pamahalaan ay ibinibigay sa mga lokal na pamahalaan o ahensya. Sa halip na lahat ng desisyon ay ginagawa sa sentro (tulad ng sa Maynila), ang mga lokal na lider sa mga lalawigan, lungsod, o barangay ay binibigyan ng karapatang mamahala sa mga usaping mas malapit sa kanila tulad ng edukasyon, kalusugan, at serbisyo publiko.Halimbawa:Ang isang lungsod ay maaaring magpasya kung paano nila gagastusin ang kanilang budget para sa mga proyekto sa komunidad, nang hindi kailangan ng direktang utos mula sa national government.