Kapag nahihirapan ako sa pagpapasya, humihinto muna ako saglit para mag-isip ng maayos. Hindi ko pinipilit magdesisyon agad lalo na kung alam kong emosyonal ako o magulo ang isip ko. Iniisa-isa ko ang mga posibleng opsyon, iniisip ko kung ano ang magiging epekto nito sa akin at sa ibang tao. Minsan, naghihingi rin ako ng payo sa mga taong pinagkakatiwalaan ko, lalo na kung mas may karanasan sila. At higit sa lahat, nagdarasal ako o humihingi ng gabay, kasi naniniwala akong may mas malaking plano ang Diyos at mas malinaw ang landas kapag kalmado at bukas ang puso mo.