HotelInfantesAgres - Bawat tanong, may sagot. Logo

In Edukasyon sa Pagpapakatao / Senior High School | 2025-07-01

Bakit bukod tangi ang tao sa LAHAT ng nilikha? Pangatwiran ang sagot​

Asked by femandreasalazar2013

Answer (1)

Bukod-tangi ang tao sa lahat ng nilikha dahil may kakayahan siyang mag-isip, magdesisyon, at magmahal nang malaya. Hindi tulad ng hayop o halaman, ang tao ay may isip at kilos-loob, kaya niya pag-isipan muna ang kanyang gagawin at piliin kung alin ang tama o mali.Mayroon ding konsensya ang tao, kaya alam niya kapag siya ay nagkamali at may kakayahan siyang humingi ng tawad o bumawi. Bukod pa rito, may kakayahan ang tao na bumuo ng ugnayan sa kapwa, magbigay ng respeto, at magmahal ng totoo.Halimbawa:Ang aso ay sumusunod sa utos, pero hindi nito alam kung ito ba ay tama o mali.Ang tao, kahit pinagalitan, ay maaaring magpatawad, magpakumbaba, o magbago.

Answered by BrainlyModIsBusy | 2025-07-01