Ang aking pinahahalagahan at naging birtud ay katapatan. Naniniwala ako na sa pagiging tapat, nagkakaroon ng tiwala ang mga tao sa akin. Sa paaralan man o sa bahay, sinisikap kong maging tapat sa aking salita at gawa. Isa ito sa mga birtud na aking pinagyayaman upang maging mabuting tao sa lipunan.