Ang pagpapahalaga sa sariling aspeto ng pisikal, mental, at sosyal na pangangailangan ay makakatulong dahil ito ang nagpapalakas at nagpapalago ng ating kabuuan bilang tao. Kung aalagaan natin ang ating katawan, magiging malusog tayo para magawa ang mga gawain. Kung aalagaan ang ating isipan, magiging handa tayo sa mga hamon at hindi basta sumusuko. Ang sosyal na aspeto ay mahalaga dahil dito natin natututuhan ang pakikitungo at pakikisama sa iba, na nagbibigay suporta at kaligayahan sa ating buhay.