Ang lokasyon, heograpiya, topograpiya, at klima ay may malaking epekto sa pamumuhay ng mga tao sa Tigris-Euphrates, Indus, Huang Ho, at Nile.Sa Tigris-Euphrates, malapit sa ilog kaya sagana ang tubig para sa irigasyon na nagbigay daan sa maunlad na pagsasaka.Sa Indus, mataba ang lupain at tamang klima ang nagtulak para sa pag-usbong ng organisadong lungsod tulad ng Harappa at Mohenjo-Daro.Sa Huang Ho, ang madalas na pagbaha ay nagdulot ng matabang lupa na mainam para sa pagtatanim ng palay.Sa Nile, ang taunang pagbaha ng ilog ay nagbibigay ng matabang lupang taniman. Dahil dito, umusbong ang kabihasnang Egyptian na nakabatay sa agrikultura. Ang klima at topograpiya rin ang nagtutulak kung saan sila magtatayo ng mga bahay, magsasaka, at makikipagkalakalan.