Ayon sa kasaysayan, bago dumating ang mga Español, ang Pilipinas ay binubuo ng mga barangay na pinamumunuan ng mga datu. May maunlad na kalakalan sa mga kapitbahay na bansa gaya ng China at Borneo. Ang mga tao ay may sariling sistema ng batas, paniniwala, at relihiyon. Sila ay malaya at may kanya-kanyang kultura at pamahalaan.