Ang negosyo ay isang institusyong panlipunan na nagpapatibay sa ating ekonomiya dahil ito ang nagdadala ng mga produkto at serbisyo na inihahatid sa bawat tao upang matugunan ang kanilang pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain. Sa pamamagitan ng negosyo, nagkakaroon ng oportunidad ang mga tao na makapagtrabaho, kumita, at makapag-ambag sa pag-unlad ng lipunan.