Naipapahayag nila ito sa pamamagitan ng karunungang-bayan: bugtong, sawikain, salawikain, alamat at epiko. Sa ganitong paraan, naipapasa ang aral, kultura at mga pangyayari sa kanilang buhay, mula henerasyon hanggang henerasyon, nang walang libro o modernong teknolohiya.