Ang hanay ng bundok sa rehiyong Mainland Timog-Silangang Asya ay mga bundok na karaniwang nakahanay mula hilaga hanggang timog. Ilan sa mga kilalang hanay ng bundok dito ay ang Pātkai Range, Nāga Hills, Chin Hills, at Arakan Mountains na matatagpuan sa Myanmar, at mga bundok na nagmumula sa Plateau of Tibet pababa sa timog.Samantala, ang mga kapatagan naman ay matatagpuan sa mga lambak ng mga pangunahing ilog tulad ng Ilog Irrawaddy, Ilog Chao Phraya, at Ilog Mekong. Ang mga lambak na ito ay malalawak at matabang kapatagan na angkop sa pagsasaka, lalo na sa pagtatanim ng palay.