Para malaman ang UTC ng mga lugar: Hanapin ang time zone ng lugar gamit ang world time zone map. Halimbawa, ang Philippines Time ay UTC+8. Kung ang isang lugar ay UTC+2, ibig sabihin, 6 na oras ang agwat nito sa Pilipinas. Kung alas 2 ng hapon sa Pilipinas, alas 8 ng umaga pa lang sa lugar na iyon. Formula: Equivalent Time = Philippine Time - Time Difference (kung pa-west) Example: Kung 10 AM sa Pilipinas (UTC+8) at ang London ay UTC+0: 10 AM - 8 hours = 2 AM sa London.