Mahalaga ang pagkakaroon ng kamalayan sa ating mga emosyon, kilos, pag-iisip, at reaksyon ng katawan dahil dito nagsisimula ang tunay na pag-unawa sa ating sarili. Kapag alam natin kung ano ang ating nararamdaman, mas madali nating makokontrol ang ating mga kilos at desisyon. Nakakatulong ito upang maiwasan ang mga hindi kanais-nais na reaksyon at mapanatili ang maayos na relasyon sa ibang tao. Bukod dito, ang pagiging aware sa ating mga damdamin at reaksyon ay nagtuturo sa atin ng tamang pagharap sa mga hamon ng buhay at nagpapalakas ng ating emosyonal na katatagan. Kaya’t mahalagang matutunan nating kilalanin at unawain ang ating sarili upang maging mas maayos at masaya ang ating pamumuhay.