Bilang guidance counselor, maipapayo ko sa batang walang pakialam sa iba na matutong makipagkapwa. Ipapaalala ko sa kanya ang kahalagahan ng paggalang at pag-unawa sa damdamin ng ibang tao. Maganda ring bigyan siya ng mga gawain kung saan matututo siyang makisama at magtulungan gaya ng group activities. Papayuhan ko rin siya na magbukas ng damdamin at makinig sa magulang, guro, at kaibigan.