Ang angkop na pag-uugali sa pagpapahayag ng saloobin, damdamin, at paniniwala ay nagpapakita ng respeto, mahinahon, at malinaw na komunikasyon. Ginagamit nito ang tamang salita at tono, at bukas sa pakikinig sa opinyon ng iba.Samantalang ang hindi naaangkop na pag-uugali ay nagiging bastos, padalos-dalos, at maaaring manakit sa salita o kilos, tulad ng pagtaas ng boses, panlalait, o pagwawalang-bahala sa opinyon ng iba.Ang angkop na pag-uugali ay nagdudulot ng pagkakaunawaan, habang ang hindi naaangkop ay nagdudulot ng hidwaan.