Ang bawat miyembro ng pamilya ay may gampanin. Sa pamamagitan ng paggalang, pagtulong, pagmamahal, at pagiging responsable, nakatutulong tayo sa pagpapatatag at pagbuo ng isang masayang pamilya.1.Paggalang sa mga magulang at kapatid– Dapat igalang at pakinggan ang mga payo ng magulang at makitungo nang maayos sa mga kapatid.2. Pagtulong sa gawaing bahay– Makatutulong sa pag-aayos, paglilinis, at iba pang simpleng gawain sa bahay.3. Pag-aaral nang mabuti– Bilang estudyante, responsibilidad na mag-aral nang mabuti upang masuklian ang pagsisikap ng mga magulang.4. Pagpapakita ng pagmamahal at malasakit– Mahalaga ang pagbibigay ng suporta, pag-unawa, at pakikiramay sa bawat miyembro ng pamilya.5. Pagpapakumbaba at paghingi ng tawad kapag nagkamali– Dapat matutong humingi ng paumanhin at magpatawad upang mapanatili ang mabuting ugnayan.6. Pagiging tapat at responsable– Mahalaga ang pagiging tapat sa salita at gawa, at pagtupad sa mga tungkulin sa pamilya.