Ang mga komunidad ay kadalasang matatagpuan malapit sa mga anyong tubig tulad ng ilog, dagat, lawa, o sapa dahil dito sila kumukuha ng kabuhayan at tubig. Mayroon ding mga komunidad na matatagpuan sa paanan o gilid ng bundok dahil dito sila nakapagtatanim at nakakahanap ng likas na yaman.