Magdrawing ng poster na nagpapakita ng kahalagahan ng pagiging mulat o may alam sa sariling damdamin ng tao. Halimbawa, gumuhit ng isang tao na may ilaw sa ulo o “idea bulb” na simbolo ng kaalaman. Sa paligid niya, ipakita ang pakikisalamuha niya sa kapwa—maaaring may mga taong magkakausap, nagkakaisa, nagtutulungan. Maglagay ng maikling slogan tulad ng “Maging mulat, makisalamuha ng maayos!” Ipakita rin ang mga simbolo ng magandang pakikipagkapwa, tulad ng pag-abot ng kamay, pagngiti, o pagdamay sa nalulungkot. Ang kulay ay dapat maliwanag at positibo para maghatid ng mabuting mensahe.