Ang yellow box ay isang kahon na may guhit sa gitna ng intersection. Layunin nito na panatilihing malinis at bukas ang gitna ng kalsada upang hindi magka-trapik.Bawal huminto o tumigil sa yellow box kahit na naka-green ang ilaw ng traffic light, kungHindi ka pa makakatawid sa kabilang panigBarado ang kalsada sa unahanMapipilitan kang huminto sa loob ng kahonAng paglabag dito ay maaaring magresulta sa multa at citation ticket. Sundin ito para sa maayos at ligtas na daloy ng trapiko.