Ang “counterflowing” ay ang pagmamaneho sa kabilang lane na taliwas sa tamang direksyon ng trapiko. Karaniwan itong ginagawa ng mga driver na nagmamadali o umiiwas sa trapik, ngunit ito ay isang malubhang paglabag sa batas-trapiko.Bakit ito ipinagbabawal?Delikado ito at madalas nagiging sanhi ng head-on collisionNagdudulot ito ng kalituhan at mas matinding trapikIsa itong disrespect sa ibang motorista na nasa tamang linyaAyon sa Joint Administrative Order 2014-01, ang counterflow ay may kaukulang multa na ₱2,000 hanggang ₱5,000, at maaaring isama sa grounds ng suspensyon ng lisensya. Tandaan, ang tamang disiplina sa kalsada ay nagsisimula sa pagsunod sa tamang direksyon.