Ang “hazard lights” ay dapat gamitin sa mga sitwasyong delikado o emergency, hindi basta-basta. Ayon sa batas-trapiko, narito ang tamang mga pagkakataon kung kailan mo ito dapat gamitin:Kapag nasiraan ka sa gitna ng kalsadaKapag may aksidenteng kinasasangkutan ang iyong sasakyanKapag kailangan mong huminto sa isang delikado o madilim na lugarKapag may zero visibility, tulad ng malakas na ulan o fogHindi dapat gamitin ang hazard lights kapag:Gusto mo lang umandar nang mabilisNasa yellow box ka o intersectionNag-o-overtake o humihinto sandali lang sa kalsadaMaling paggamit ng hazard lights ay nakalilito sa ibang motorista at maaaring magdulot ng aksidente. Kaya mahalaga na alam mo kung kailan lang ito akmang gamitin, at sundin ito bilang responsable at maingat na driver.