Ang “right of way” ay tumutukoy sa karapatan ng isang motorista o pedestrian na unang dumaan sa isang kalsada o intersection. Ayon sa RA 4136, ang right of way ay dapat ibigay sa mga sasakyang nasa intersection na, sa mga sasakyang nasa kanan kapag walang traffic light, at sa mga pedestrian na tumatawid sa pedestrian lane.Halimbawa, kapag ikaw ay papasok sa isang intersection at may dumarating na sasakyan mula sa kanan, kailangan mo itong bigay-daan. Kapag naman may ambulansya, bumbero, o pulis na may sirena, kailangan mong lumipat o huminto upang ibigay ang daan sa kanila.Kapag hindi mo binigay ang right of way, maaari itong magdulot ng aksidente. Kaya mahalagang matutunan at igalang ang batas na ito upang maging ligtas ang lahat sa kalsada. Ang pagbibigay ng right of way ay hindi lang batas, kundi pagpapakita ng respeto at disiplina sa kapwa motorista at pedestrian.