Answer:"Madaling maging tao,mahirap magpakatao”ito ay isang kasabihan at mula sa kasabihang ito ano ba ang iyong mahihinuha o pagkakaintindi mo rito.Ano ba ang kaibahan ng tao sa pagpapakatao?Kung ikaw ang tatanungin ko, ano ba para sa iyo ang kaibahan ng tao sa pagpapakatao?Ang kasabihang ito ay nahahati sa dalawang bahagi una, ”madaling maging tao” na sumasagot sa pagka sinong tao.Sa madaling salita ikaw bilang tao mula pagkasilng mo pa lang ay may katangian at kakayahan ka na, na kung saan likas na sa iyo na hindi mo nakuha o natutunan o kahit itinuro sa’yo ng iyong kapwa.Ito ang kakayahang mag-isip at kilos-loob, may konsensiya ,kalayaan at dignidad.Ang mga katagiang ito ay hindi kailanman mawawala sa iyo at ang dapat mong gawin ay paunlarin at gamitin sa tama at sa magandang paraan tungo sa pagbuo mo sa iyong sarili.Ang ikalawang bahagi ay ang ”mahirap magpakatao” na tumutukoy sa persona ng tao.Noong ipinanganak ka sa mundong ito hindi ka pa buo o hindi pa buo ang iyong pagkatao at marami ka pang dapat na matutunan dahil hindi lahat ng katangiang makapagbubukod-tangi sa iyo ay ipinagkaloob na sa iyo.Dahil habang lumalaki ka unti-unti mo itong nililikha sa iyong sarili habang ikaw ay nagkakaedad o sa makatuwid ito ay isang proseso ng pagbuo.Pagkasilang mo pa lng sa mundong ito ay nagsimula ka ng mag-okupa ng espasyo na dahilan ng iyong kamalayan at kalayaan at nasa kamay mo na ang pagbuo ng iyong pagkasino bilang isang indibidwal. S a yugto ng iyong buhay matatawag kang persona kung sa yugto ng iyong buhay ay natuklasan mo na ang ioyng hilig, talento at kakayahan na dapat mongh mapaunlad upang mabuo mo ang iyong pagiging sino.Ang pagkamit mo ng iyong kabuuan ang resulta ng iyong pagpupunyagi sa pagbuo ng iyong pagkasino ay tinatawag na personalidad. Ikaw, bilang personalidad ay may matibay na pagpapahalaga at paniniwala, totoo sa sarili atn tapat sa iyong misyon na kahit anuman ang darating na hamon o impluwensya ng kapaligiran o teknolohiya ay hindi ka na basta-bastang madadala at maapektuhan dahil may matibay ka na paninindigan na kung saan laya mong panindigan dahil alam mo kung ano at saan ang tama o mali at buo na ang iyong pagpapasya sa iyong mga dapat sa iyong buhay.