Ang Condition B ay nangangahulugang kailangang gumamit ng special na kagamitan para sa itaas na bahagi ng katawan (upper limbs) ang drayber. Para ito sa mga taong may kapansanan sa kamay o braso.May mga special na modifications sa sasakyan tulad ng steering aids upang ligtas na makapagmaneho. Ang LTO evaluator ang nag-a-assess kung kailangan ito.