Ang solid yellow line sa kalsada ay nangangahulugang bawal lumampas o mag-overtake. Ipinapakita nito ang paghihiwalay ng sasakyang magkakasalungat ang direksyon, at ang pagtawid dito ay mapanganib at labag sa batas.Bilang drayber:Manatili sa iyong linya,Iwasang mag-overtake kahit mukhang maluwag ang daan,Sundin ito lalo na sa mga kurba o tulay.Kapag nilabag ito:Maaaring makakuha ng violation ticket,Magbayad ng multa,Maging sanhi ng aksidente.Layunin ng linyang ito ang seguridad at ayos na daloy ng trapiko sa mga mapanganib na lugar.