Ang LTO student permit sa Pilipinas ay may bisa ng isang taon mula sa petsa ng pagkakakuha. Sa panahong ito, pinapayagan kang magpraktis magmaneho, pero dapat ay kasama ang isang lisensyadong drayber (Non-Pro o Pro).Mahahalagang PaalalaHindi pwedeng i-renew ang student permit.Pagkalipas ng isang buwan mula sa petsa ng pagkuha, maaari ka nang mag-apply ng Non-Professional license, basta’t pasado ka sa written at practical exam.Ang Professional license naman ay puwedeng i-apply pagkatapos mong magkaroon ng Non-Pro license nang 6 na buwan hanggang 1 taon.Kung nag-expire na ang student permit mo at hindi ka pa rin kumuha ng Non-Pro, kailangan mong mag-apply muli ng bagong student permit. Kasama na rito ang muling pagkuha ng Theoretical Driving Course at panibagong requirements.Paano Gamitin Student Permit sa Loob ng Isang TaonHuwag sayangin ang isang taong validityPag-aaral ng batas trapiko.Regular na pagpraktis ng pagmamaneho.Pag-schedule ng Non-Pro application bago pa ma-expire ang permit.