Kung ako ay mabibigyan ng pagkakataong baguhin ang mundo, sisiguraduhin kong ito ay magiging malinis, ligtas, at patas para sa lahat. Walang mahirap at walang inaapi, dahil lahat ay may pantay na karapatan sa edukasyon at trabaho. Ang mga kalsada ay puno ng mga puno at halaman, at walang basura sa paligid. Lahat ng tao ay marunong sumunod sa batas, may malasakit sa kapwa at sa kalikasan. May libreng edukasyon at serbisyong pangkalusugan. Ang mundong ito ay makatao, makakalikasan, at makabansa.