Mahalaga ang pag-aaral ng heograpiya dahil tinutulungan tayo nitong maunawaan ang mundo at ang ugnayan ng tao sa kapaligiran.Sa heograpiya, natututo tayo tungkol sa mga anyong lupa at tubig, klima, lokasyon, at likas na yaman. Mahalaga ito para malaman kung paanong naaapektuhan ng kalikasan ang pamumuhay ng tao, at kung paano rin naaapektuhan ng tao ang kalikasan.Nakakatulong din ito sa pagpaplano ng mga lungsod, pagtugon sa sakuna, at pangangalaga sa kapaligiran. Sa madaling salita, ang heograpiya ay daan para mas maging responsable at mulat tayong mamamayan ng mundo.