Ito ang tinatawag na Traditional Art. Halimbawa nito ay mga sining na ginagamit na noon pa man at hanggang ngayon ay sinusundan pa rin ang orihinal na estilo, tulad ng paghahabi ng banig, pag-ukit ng kahoy sa Ifugao, o mga katutubong sayaw gaya ng Tinikling at Singkil. Ang mga ito ay may tiyak na pamamaraan na sinusunod mula pa sa sinaunang panahon.