Hindi sila direktang mapanghimagsik tulad ng mga Katipunero, pero mapanindigan silang repormista. Ang mga repormista gaya nina Rizal, del Pilar, at Lopez Jaena ay naniniwala sa mapayapang paraan ng pagbabago gamit ang edukasyon, pahayagan, at panulat upang itama ang mga katiwalian sa pamahalaang Espanyol.