Sa Pilipinas, may malawak na interaksyon ang tao sa kapaligiran. Sa Cebu at sa partikular na lokasyon ng Cordova, ang mga tao ay nakadepende sa kalikasan para sa kabuhayan tulad ng pangingisda, paggawa ng asin, at turismo. Ginagamit nila ang yamang-tubig bilang pangunahing pinagkukunan ng pagkain at kabuhayan. Gumagawa rin ang mga residente ng mga hakbang tulad ng pangangalaga sa bakawan at dagat upang mapanatili ang balanse ng kalikasan. Kapalit nito, ang kapaligiran ay nagbibigay ng tirahan, kabuhayan, at proteksyon laban sa sakuna. Ipinapakita ng lugar na ito na kung aalagaan natin ang kalikasan, babalik ito sa atin ng biyaya.