Ang paglikha ng mapa ay nakatutulong para maunawaan ang katangian ng komunidad sapagkat ipinapakita nito ang lokasyon ng daan, ilog, paaralan, ospital, at iba pang estruktura. Dahil dito, mas madaling makita kung saan kinakailangan ang serbisyo (hal. kulang sa health center) at kung aling lugar ang lantad sa peligro (hal. baha o landslide), kaya mas naaangkop ang pagsasaayos at pag-unlad ng komunidad.