Ang isip ay tumutukoy sa kakayahan ng tao na mag-isip, mag-analisa, at umunawa ng katotohanan. Dito nagmumula ang mga ideya, kaalaman, at paghatol kung tama o mali ang isang bagay.Samantalang ang kilos-loob ay ang kakayahan ng tao na pumili at magpasya batay sa mga naiisip ng isip. Ito ang gumagawa ng aktuwal na aksyon o desisyon, ayon sa kabutihang nakita o naunawaan ng isip.Halimbawa: Kapag naisip ng isang tao na masama ang mandaya sa exam (isip), pipiliin niyang huwag mandaya kahit mahirap ang test (kilos-loob).Sa madaling sabi, ang isip ay tumutukoy sa pag-alam ng tama, at ang kilos-loob ay ang paggawa ng tama.