Ang maharlikang ito ay nagiging vassal o basalyo. Sa sistemang pyudalismo, ang panginoon ng manor ay nagbibigay ng lupa (fief) sa isang maharlika bilang kapalit ng serbisyo lalo na sa panahon ng digmaan. Ang basalyo ay may pananagutang protektahan at tumulong sa kanyang panginoon.