Ang dating Edukasyon sa Pagpapakatao (ESP) ay mas pinagtibay at pinag-ibayo sa bagong kurikulum sa ilalim ng GMRC (Good Manners and Right Conduct) at Values Education (VE).Mahahalagang Pagbabago:Nakahiwalay na asignatura ang GMRC mula Kinder hanggang Grade 6 para mas matutukan ang paghubog sa asal ng kabataan.Ang VE naman ay itinuturo sa Junior at Senior High School bilang mas mataas na antas ng pagpapalalim sa pagpapahalagang moral.Gumamit ang kurikulum ng value-integrated activities tulad ng role-playing, case studies, at real-life reflection.Ang pokus ay hindi lang sa kaalaman, kundi pati sa kakayahang magdesisyon at kumilos nang may malasakit at katwiran.