Ang Obras Pias ay mga institusyong itinayo ng Simbahang Katoliko noong panahon ng pananakop upang mangalap ng pondo mula sa donasyon na ginagamit para sa mga gawaing panrelihiyon at kawanggawa gaya ng pagpapaaral at pagtulong sa mahihirap. Tinatawag din itong “banal na gawain” dahil layunin nitong makatulong sa kapwa bilang gawaing makadiyos.