Ang maingat na pagsusuri sa ating emosyon ay mahalaga dahil ito ang nagbibigay-linaw kung paano tayo kikilos sa harap ng iba’t ibang sitwasyon. Kapag alam natin kung bakit tayo galit, nalulungkot, o natatakot, mas madali nating mapipigilan ang padalus-dalos na aksiyon. Halimbawa, kung naiintindihan kong ang galit ko ay galing sa pagod, hindi ko ito ibubunton sa aking kapatid.Sa tahanan, nakatutulong ito upang mapanatili ang respeto at kapayapaan sa pagitan ng mag-anak. Sa komunidad, naiwasan ang alitan kapag pinipili nating magpaliwanag kaysa makipagtalo. Sa paaralan, nagiging mas mabuti tayong kamag-aral at lider dahil pinipili nating umintindi sa halip na manghusga.Sa madaling sabi, ang pagsusuri sa emosyon ay hindi kahinaan, kundi isang paraan para maging mas responsableng tao na marunong magpakumbaba, makinig, at umunawa.